Quiboloy nagpalaro! P1K sa makakahula ng kanyang pinagtataguan

Tila nagpalaro si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy sa mga naghahanap sa kanyang kinaroroonan.

Tila nagpalaro si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy sa mga naghahanap sa kanyang kinaroroonan.

Sa isang social media post, nag-alok pa ng P1,000 reward ang televangelist sa sinumang makakahula ng kanyang hideout.

Nagbigay ng tip si Quiboloy para sa mga gustong humula: “Ako’y nakakubli, hindi kalayuan dito. Kuta ko’y puro bato, laksa-laksang pula at itim na langgam, handang ipagtanggol ako sa mga manlulupig na mga tao. Kano man o kalahi ko. Upang aking maitayo ang prinsipyong diwa, karangalan, kalayaan ng isang mara­ngal na Pilipino na naisilang sa paanan ng matayog sa lahat ng bundok Apo, sulong bayan ko, ipaglaban karapatan sa manlulupig di ka pasisiil ang mamatay ng dahil sa ‘yo.”

Inamin ni Quiboloy na siya ay kasalukuyang nagtatago dahil umano sa banta sa kanyang buhay.

Siya ay wanted sa Estados Unidos sa kasong human trafficking habang kasalukuyan namang nag iimbestiga ang Senado at Kongreso kaugnay sa mga reklamong pang-aabuso na iniharap sa kanya ng dating mga miyembro ng KOJC.