Quiboloy, kakasuhan ng qualified hman trafficking, child abuse

Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) ngayong Lunes na sasampahan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quibolloy ng qualified human trafficking at child abuse.

Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) ngayong Lunes na sasampahan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quibolloy ng qualified human trafficking at child abuse.

Kaugnay ito sa umano’y pang-aabuso ni Quiboloy at iba pa noong 2011 sa isang 17 anyos pa lamang na babae.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, ihahain umano ang naturang mga kaso ng prosecutors sa Pasig City at Davao City.

“Pinag-aralan namin nang husto at ang lumalabas talaga rito, meron talagang kailangang panagutan si Pastor Apollo Quiboloy at ang kanyang mga kasama, sa isang complainant, sa isang nagrereklamo nung panahon na ‘yun ay may edad na 17 anyos nung nangyari ang krimen,” ani Remulla sa isang pulong-balitaan.

Matatandaang naglabas kamakailan ng subpoena ang Senado at Kamara laban sa pastor kaugnay ng mga umano’y pang-aabuso ng KOJC, at mga paglabag ng TV network nitong SMNI.