‘Quiboloy defenders’ nagsama-sama sa prayer rally; Ex-Presidente Duterte susuporta

Nagtipon-tipon sa Liwasang Bonifacio nitong Martes, Marso 12, ang mga taga-suporta ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy upang magdaos ng isang prayer rally.

Nagtipon-tipon sa Liwasang Bonifacio nitong Martes, Marso 12, ang mga taga-suporta ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy upang magdaos ng isang prayer rally.

Base sa hinaing ng mga taga-suporta ng Pastor, dapat na umanong magbitiw ang Sendora na si Risa Hontiveros.

Ang Senadora kasi umano ang pasimuno para imbestigahan at maglabas ang Senado ng show cause order laban sa kanilang lider.

Samantala, kasama sa mga dumalo sa prayer rally ay sina Vice President Sara Duterte, Attorney Salvador Panelo, at ang dating Speaker na si Attorney Harry Roque.

Kumpirmado na rin ang pagdalo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang anak na si Davao City Mayor Baste Duterte at Senator Bong Go.