Quiboloy binenta 14 na baril bago ma-revoke ang permit

Naibenta na umano ni Pastor Apollo Quiboloy ang 14 sa 19 niyang baril bago pa man ma-revoke ang permit ng mga ito, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Naibenta na umano ni Pastor Apollo Quiboloy ang 14 sa 19 niyang baril bago pa man ma-revoke ang permit ng mga ito, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang pahayag ng pulisya matapos i-turn over ng kampo ng pastor ang lima sa kanyang mga armas noong Mayo 2.

“As of now, lima po ang nai-turn over na. ‘Yung 14, it appears, based on record at sa dokumentong isinumite po ni Mr. Acobo, na ‘yung 14 were already transferred even prior to the revocation,” wika ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Si Marlon Acobo na kinatawan ng kampo ni Quiboloy ang nagsuko ng limang baril ng pastor sa Police Regional Office (PRO) 11. Ang mga isinuko ni Acobo ay isang Colt rifle, dalawang Beret pistol, at dalawang Metrillo pistol.

Na-revoke ang permit ng mga baril ni Quiboloy noong Abril 26.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na anim sa mga baril ni Quiboloy ay binenta niya kay Cresente Canada noong nakaraang Disyembre. Lima naman ang binenta sa isang lalaki habang tatlo sa isa pang babae. Ang mga ito ay parehong may apelidong Canada.

Ani Fajardo, sakaling mapatunayan ng PNP na ang mga bagong may-ari ng mga baril ay mga kapwa akusado ni Quiboloy sa kanyang mga kaso, ang permit ng kanilang mga baril ay mare-revoke din.