Quezon Rep. Suarez: VP Sara dapat mag-ingat sa pagpunta sa mga rally

Nagbabala si Quezon Rep. David Suarez sa cabinet members na mag-ingat sa pagpunta sa mga prayer rally na anti-government pala.

Nagbabala si Quezon Rep. David Suarez sa cabinet members na mag-ingat sa pagpunta sa mga prayer rally na anti-government pala.

Ayon kay Suarez, dapat na maging maingat ang mga miyembro ng gabinete sa pagpunta sa mga event.

“We need to be a little bit more prudent and proper in deciding what events to attend pagdating sa ganung usapin,” sabi ni Suarez.

Ito’y reaksyon ni Suarez matapos na magtungo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa prayer rally bilang pagsuporta kay Pastor Apollo Quiboloy.

Paliwanag ni Suarez, nagmistulang anti-government ang rally na dinaluhan ni VP Sara.

“Kita niyo naman yung tenor ng prayer rally na yun, I think very strong yung anti-administration sentiment,” wika ni Suarez.

Aniya, nagbibigay ng ‘wrong signal’ ang pagpunta ni VP Sara sa naturang prayer rally lalo’t parte siya ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Of course being part of the Cabinet of President Bongbong Marcos, so it sends the wrong signal. Especially for me di ba? Kasi ipinaglaban natin, kaya sila parehas nanalo dahil sa unity at pagkakaisa,” sambit pa ng mambabatas.