Pwersa sa WPS, palakasin! – Villafuerte

Nanawagan si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte na dapat magkaroon ng mas malakas na presensya ang gobyerno sa West Philippine Sea (WPS).

Nanawagan si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte na dapat magkaroon ng mas malakas na presensya ang gobyerno sa West Philippine Sea (WPS).

Aniya, dapat na maprotektahan umano ang mga mangingisdang Pilipino sa ipinataw ng China na apat na buwang fishing ban.

Sinabi ni Villafuerte na dapat magtulong-tulong ang Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa paglaban para sa mga mangingisda.

Lalo pa aniya na may banta umanong ikukulong ang mga ito ng 60 na araw, sakali mang papasok sa South China Sea, na sakop din ng WPS.

“We are taking the military as its word that our fishers have nothing to worry about because the AFP has their back and will provide protection to them against possible harassment from the Chinese in the WPS,” pahayag nito.

Ayon kasi umano sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong Hulyo 2016, ipinagdiinan ni Villafuerte na walang karapatan ang China na angkinin ang anumang isla sa WPS dahil legal na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang mga ito.

Dahil dito, sinabi ni Villafuerte na sinusuportahan niya ang planong pormal na reklamo laban sa Beijing dahil sa kanilang pagbuo ng mga isla na nakasira sa mga coral reefs na malapit sa Pag-Asa Island at Sabina Shoal sa WPS.