Pwede na uli! Renewal ng driver’s license magsisimula nang muli—LTO

Maaari na muling mag-renew ng driver's license sa LTO matapos ma-deliver ang higit isang milyong plastic cards na gagamitin sa renewal.

Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na magsisimula nang muli ang renewal ng driver’s license matapos mai-deliver ang mahigit isang milyong plastic cards.

Nilinaw naman ni LTO chief Vigor Mendoza na staggered o per batch lamang ang gagawing renewal upang maiwasan ang pagdagsa ng mga magre-renew.

“We don’t want an influx of applicants in our offices. We would like to avoid long queues at licensing centers,” pahayag ni Mendoza.

Siniguro naman niya na magiging mabilis at madali lamang ang renewal process, na aniya ay tatagal lamang ng 15 minuto.

Narito ang iskedyul na ibinigay ng LTO:

• Para sa mga lisensyang nag-expire noong Abril: Oktubre 6 hanggang Oktubre 31

• Para sa mga lisensyang nag-expire noong Mayo: Nobyembre

• Para sa mga lisensyang nag-expire noong Hunyo: Disyembre

• Para sa mga lisensyang nag-expire noong Hulyo: Enero 2024

• Para sa mga lisensyang nag-expire noong Agosto: Pebrero 2024

• Para sa mga lisensyang nag-expire noong Setyembre: Marso 2024

“If motorists fail to renew their driver’s license on the schedules provided, their license will automatically be deemed expired,” paglilinaw ni Mendoza.