Pwede na rin ‘yan! Work-from-home, online classes sa Oktubre 31 para sa mga kawani ng gobyerno, mag-aaral—PBBM

Hindi man holiday sa Oktubre 31, hahayaan naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag work from home na lang ang ibang kawani ng gobyerno at online class naman sa mga pampublikong paaralan.

Bagaman hindi idineklarang holiday ng pamahalaan ang Oktubre 31, papayagan naman nito ang ilang ahensya ng gobyerno na magpatupad ng work from home sa nasabing araw. Kaugnay nito, aprubado na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang online class sa pampublikong paaralan sa parehong araw.

Una nang inanunsiyo ng Palasyo na hindi holiday ang Oktubre 31, na napapagitnaan ng Oktubre 30, na dineklarang special nonworking holiday, at ng Undas, na karaniwan ng nonworking holiday.

Ang naturang setup sa Oktubre 31 ay ipatutupad sa bisa ng Memorandum Circular No. 38 na inilabas ng Office of the President nitong Biyernes, Oktubre 27.

“In order to provide government employees full opportunity to properly observe All Saints’ Day on 01 November 2023, and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work from home arrangement in government offices shall be implemented, and asynchronous classes in public schools shall be conducted on 31 October 2023,” sabi ng memorandum na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para kay Marcos.

Gayunpaman, business as usual pa rin sa mga ahensiya na responsable sa pagbibigay ng basic at health services, pati na rin ang mga tumutugon sa mga kalamidad o oras ng pangangailangan.

Ayon naman kay Bersamin, maaaring magpatupad ng parehong alituntunin ang mga pribadong kumpanya at paaralan kung nanaisin nila.

https://www.officialgazette.gov.ph/2023/10/27/memorandum-circular-no-38-s-2023/