Puwede sa NAIA? DOST titirisin problema sa surot

Nakagawa ang Department of Science and Technology (DoST) ng solusyon para matugunan ang problema sa surot sa mga pampublikong pasilidad.

Nakagawa ang Department of Science and Technology (DoST) ng solusyon para matugunan ang problema sa surot sa mga pampublikong pasilidad.

Matatandaang kamakailan ay nakatanggap ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 2 at 3 ng mga reklamo ukol sa umano’y masurot na upuan.

Dahil dito, sinabi ng DOST na ang solusyon ay hindi lang para masugpo ang mga peste kung hindi pati na rin mapabuti ang kalagayan ng mga kasangkapan.

“This news may have caused apprehension towards using rattan and other non-timber forest products (NTFP) for furniture, but the DoST’s Forest Products Research and Development Institute (DoST-FPRDI) would like to clarify that technologies and methods are available to prolong their service life,” pahayag ng DOST.

Samantala, matatandaang itinapon na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga rattan chairs sa Terminal 2 upang mapigilan ang pagdami ng mga surot.