Putukan tapos putol ang daliri’t kamay! Bilihan ng paputok sa Bocaue, patuloy na dinaragsa

Tunay ngang nakagawian na ng maraming Pillipino ang pagpapaputok kada Bagong Taon, kanya naman dagsa na ang mga mamimili sa Bocaue upang makabili ng mas murang mga paputok.

Nagsimula nang dumagsa sa Bocaue, Bulacan ang mga nais bumili ng mga paputok sa mas murang halaga.

Iyan ay sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng mga awtoridad na huwag na lamang gumamit ng paputok sa selebrasyon sa Bagong Taon.

“Kailangan namin yun eh. Magce-celebrate kami sa 31…Ok naman. Mura. Binigyan kami ng discount,” sabi ng isang mamimili.

Taun-taong dinarayo ang Bocaue ilang araw bago ang Bagong Taon dahil dito makakabili ng mga murang paputok at fireworks.

Kaugnay niyan, nagpakalat na ang lokal na pamahalaan ng mga pulis upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at mga establisyimento. Mayroon ring mga inilagay na fire extinguisher at mga lalagyan ng tubig sa bawat tindahan.

Patuloy ring hinahanol ng Philippine National Police ang mga iligal na paputok na binebenta sa iba’t ibang lugar gaya ng Divisoria.