Pusa pinakain sa sawa? Masbate Mini Zoo kinandado na

Ipinasara na ng city government ng Masbate ang mini zoo na nag-viral matapos paniwalaang pusa ang pinapakain nito sa alagang sawa.

Ipinasara na ng city government ng Masbate ang mini zoo na nag-viral matapos paniwalaang pusa ang pinapakain nito sa alagang sawa.

Kamakailan ay nag-viral ang isang video sa Tiktok kung makikita ang isang pusang basa, hindi gumagalaw at tila nakikiramdam sa tabi ng ulo ng isang malaking ahas.

Ayon sa uploader ng video, umakyat daw ang pusa sa puno para hindi makain ng ahas pero binasa ng caretaker kaya nahulog.

Pormal naman ng ipinatigil ng lokal ng Masbate ang operasyon ng mini zoo matapos ang masusing imbestigasyon at pakikipag-usap ng City Veterinarian Office at ng Business Permit Licensing Office sa may-ari ng naturang zoo.

“After a thorough assessment and collaboration with concerned agencies, a decision was made to permanently close the zoo and turnover all animals to the appropriate authorities,” saad ng city government of Masbate sa Facebook post nito.

Nangako naman ang ahensya na magpapatupad sila ng mas mahigpit na regulations at inspections upang di na maulit ang insidente.