Puro kasinungalingan! SMNI inabuso press freedom – Brosas

Pinaalalahanan ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang Sonshine Media Network International (SMNI) na hindi rason ang press freedom para magpalaganap ng kasinungalingan sa publiko.

Pinaalalahanan ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang Sonshine Media Network International (SMNI) na hindi rason ang press freedom para magpalaganap ng kasinungalingan sa publiko.

“While freedom of the press is a fundamental right that should be protected, it does not extend to the spread of misinformation and lies. SMNI does not have the right to claim that the revocation of their franchise is an issue of press freedom when they are actively spreading misinformation,” saad ni Brosas.

Isa si Brosas sa 289 na mambabatas na nag-apruba para matanggalan ng prangkisa ang SMNI

Paliwanag pa ng mambabatas, ang pagbawi sa prangkisa ng network ay kailangan upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.

“Press freedom comes with responsibilities, including adhering to journalistic ethics and standards of accuracy. When media outlets fail to uphold these principles and engage in the dissemination of false information, they undermine the public’s trust and contribute to the erosion of democratic discourse. Therefore, the revocation of SMNI’s franchise is not an infringement on press freedom but rather a necessary measure to address the dissemination of false information,” dagdag pa niya.

Samantala, habang pasado na sa Kamara, sasalang pa sa Senado ang panukalang paglusaw sa prangkisa ng SMNI.

Si Pastor Apollo Quiboloy, na siyang itinuturing na may-ari ng SMNI, ay pina-sub poena ng Kamara hinggil sa mga paglabag nito sa kanilang prangkisa. Sa kabila nito, hindi sumulpot si Quiboloy.