Puro demand! Marcos sumagot na sa kondisyon ni Quiboloy para sumuko

'Tail wagging' o pagkontrol sa sitwasyon na umano ang ginagawa ni Pastor Apollo Quiboloy sa paglatag niya ng kondisyon bago siya sumuko, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

‘Tail wagging’ o pagkontrol sa sitwasyon na umano ang ginagawa ni Pastor Apollo Quiboloy sa paglatag niya ng kondisyon bago siya sumuko, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“It seems to be a little bit tail wagging, ano? Na siya (ang) magbibigay ng condition sa gobyerno dun sa kaso niya. Akusado siya sa warrant of arrest. So, I mean, we will exercise all the compassion to Pastor Quiboloy,” saad ni Marcos ngayong Lunes.

Noong Sabado ay sinabi ni Quiboloy na haharapin lamang niya ang kanyang mga kaso kung maglalabas si Marcos – sampu ng ilan pang mga opisyal ng gobyerno – ng garantiya na hindi makikialam ang US sa kanyang mga kaso.

Kasabay ito ng paratang ni Quiboloy na nais siyang ipapatay ng US at lahat ng mga reklamo laban sa kanya ay paraan upang isuko siya ng Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano.

Ngunit ayon kay Marcos, malabong makialam ang US sa mga reklamo laban sa pastor.

“That’s going to take years, so I don’t think that’s something he needs to worry about, quite frankly,” anang Pangulo.

Wanted si Quiboloy sa US sa patong-patong na mga kaso, bukod pa sa mga reklamong inihain sa kanya sa Pilipinas.