Pura Luka Vega arestado ulit!

Muling inaresto si Pura Luka Vega dahil sa nag-viral nitong drag performance gamit ang dasal na 'Ama Namin'.

Muling inaresto si Pura Luka Vega dahil sa nag-viral nitong drag performance gamit ang dasal na ‘Ama Namin’.

Dinakip si Amadeus Fernando Pagente, tunay na pangalan ni Pura Luka Vega, ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Ito’y matapos maglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Quezon City kaugnay sa mga kasong Immoral Doctrines at Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows.

Dinala si Pura Luka Vega sa MPD Station 3 kung saan siya ipoproseso.

Ayon kay ‘Drag Den Philippines’ director Rod Singh, ang kaso ay isinampa ng tatlong church na may koneksyon sa Philippines for Jesus Movement.

Abot sa P360,000 umano ang piyansa na nirekumenda ng korte para kay Luka.

Batay din kay Singh, kakabayad lang umano ni Pura Luka ng P720,000 bail noong February 26 para naman sa kasong isinampa ng Kapisanan ng mga Social Media Brodkaster ng Pilipinas.

Matatandaan na unang naaresto si Pura Luka noong Oktubre dahil din sa kanyang drag performance kung saan nagsuot siya ng damit na tila kawangis ni HesuKristo.