Puntod ni Rico Yan, ginawang ‘tourist attraction’

Trending ngayon sa TikTok ang mga clips ng movie na pinagbidahan noon ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Trending ngayon sa TikTok ang mga clips ng movie na pinagbidahan noon ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Kaya muli ring nabuhay sa social media ang mga fans nito noon hanggang ngayon.

Ang iba pa nga sa kanila “dinadayo” ngayon ang puntod ng yumaong aktor.

Isa sa mga nakakuha ng atensyon ng mga netizen ay ang lalaki na dumayo pa mula Pampanga, gumawa ng timelapse video sa nitso ng aktor at sinabing dream come true na makarating sa himlayan nito.

Maraming netizen ang nag comment na dinaig pa raw ng lalaki ang mga kamag anak ng aktor at si Claudine Barreto.

May iba naman na depensahan din ang lalaki at sinabing nagpapakita lang ito ng pagmamahal sa aktor bilang isang fan.

Narito ang comment ng mga netizens:

*kabataan talaga ngayon mema nalang palibhasa matunog ule si Rico Yan ngayon . Kahit hindi naman talaga nila idol nakikitrend nalang 🤣”

“Disturbing… Visit his grave with respect not just for him but for his grieving family. Enough na siguro yung pumunta ka nag lit ng candle, offer ng prayer, and do normal things. Keep your OAness to yourself.”

“For me walang masama na dinalaw nya ang puntod ng idol na dman na abutan ay naging inspirasyon naman ng nakrarami. Sana tuloy2x ang makakilala pa kay Rico, kung gaano sya ka buti, d sya naging perpekto kasi tao lng din naman sya at nagkamali, pero in general napaka buti nya. Let’s pray for him, lalo na sa mga makakapunta sa puntod, hwag kalimotan mag alay ng dasal pls.”

Sa post naman ng Rico Yan and Claudine Barreto fan page, nagpapasalamat sila sa mga fan na patuloy na inaalala ang aktor, pero umapela din ito sa mga “fans” na ginagamit si Rico Yan para sa clout.

*We are genuinely and really glad for all the love he’s been getting from all of you – millennials and Gen Zs! Yet, lately, things are becoming different in a way that they are getting alarming already. We have been seeing a lot of accounts who obviously are using Rico only just for entertainment purposes or in other words – for clout; which is something needs to be stopped. Dahil hindi na ito tama.”

TINGNAN: