Pumreno na rin sa pagtaas! Presyo ng petrolyo maaaring manatiling stable nitong susunod na linggo

Makaasa ang mga motorista na wala munang matinding paggalaw sa mga presyo ng petrolyo sa susunod na mga araw.

Makaasa ang mga motorista na wala munang matinding paggalaw sa mga presyo ng petrolyo sa susunod na mga araw.

Ito ay ayon sa isang source sa oil industry, na nagsabing mula P0.10 hanggang P0.20 kada litro lamang ang pagtaas sa diesel, samantalang posibleng walang paggalaw o P0.10 kada litrong pagtaas lamang ang maaasahan sa gasoline.

Sa panayam naman ng dzBB kahapon, Setymebre 8, sinabi ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na posibleng walang paggalaw ng presyo sa lahat ng produktong petrolyo sa susunod na linggo batay sa unang apat na araw ng kalakalan ng linggo.

Kung mayroon mang mga adjustment sa presyo, sinabi ni Abad na magiging minimal ang mga ito, ngunit sa Biyernes pa malalaman kung magtataas ba ng presyo o magbababa.

Ayon naman sa Cleanfuel, posibleng may potensyal na pagtaas ng presyo para sa gasolina sa susunod na linggo, ngunit hindi ito nagbigay ng mga pagtatantya.

Ang mga presyong petrolyo ay iaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis sa Lunes, Setyembre 11, at ang mga price adjustments, kung meron man, ay magsisimula kinabukasan, Setyembre 12.