Pulis yarn? MMDA escorts ni Tolentino gumamit ng PNP marker, arestado!

Hinuli ng awtoridad ang dalawang escorts ni Senator Francis Tolentino dahil sa ilegal na paggamit ng Philippine National Police (PNP) Insignia sa mga motorsiklo ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa isang report, ang dalawang MMDA escorts ay nakasakay sa motorsiklong may blinker nang matyempuhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa Parañaque City.

Nilinaw ni HPG – National Capital Region head Police Colonel Neil Francia na lehitimo ang mga MMDA escorts ni Tolentino, ngunit hindi naman daw awtorisado ang insignia sa mga motor nito.

“Nagbukas si Senator Tolentino at tinanong ako kung pwede na silang umalis sabi ko, ‘Yes, sir kasi motor lang naman ano namin dahil police markings.’ Authorized naman sya magkaroon ng escort,” saad ni Francia.

Pinabulaanan naman ni Tolentino na wala siyang alam sa mga nakalagay na PNP emblems sa mga motorsiklo ng MMDA.

Si Tolentino ang MMDA Chairman mula 2010 hanggang 2015.