Pulis sa Bicol nagsagawa ‘libreng sakay’

Nagsagawa ang Police Regional Office sa rehiyon ng Bicol (PRO5) "libreng sakay" sa mga pasahero na naapektuhan ng nationwide transport strike ngayong Lunes.

Nagsagawa ang Police Regional Office sa rehiyon ng Bicol (PRO5) “libreng sakay” sa mga pasahero na naapektuhan ng nationwide transport strike ngayong Lunes.

Ayon sa ulat, nasa 165 na sasakyan sa iba’t ibang lugar sa anim na lalawigan ang ipinadala ng PRO5 upang maghatid ng mga komyuter.

Nagsimula ang “libreng sakay” kaninang alas-7 ng umaga at magpapatuloy ito hanggang Martes ng gabi.

Sinabi rin ni PRO5 spokesperson Lt. Col. Malu Calubaquib, nasa 3,000 pulisya ang kanilang idineploy sa buong rehiyon upang matiyak ang seguridad ng mga sasakay.

“During the strike, our Civil Disturbance Management contingents were prepared to operate drones, assist with traffic control, conduct checkpoints, and provide transport escorts to ensure that while the transport groups exercise their rights, peace and order are maintained,” pahayag ni Calubaquib.