Pulis na sangkot sa pagkawala ng beauty queen sa Batangas, sinibak na—Abalos

Isinasagawa na ang isang patas at malalimang imbestigasyon sa pagkawala ng isang beauty queen sa Batangas kung saan isang pulis ang pinaghihinalaang sangkot sa insidente, ayon sa mga awtoridad.

Dismayado si Interior Secretary Benhur Abalos sa balitang pulis ang pinaghihinalaang sangkot sa pagkawala ng isang beauty queen sa Batangas.

Inatasan na ni Abalos ang Philippine National Police (PNP) para magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa pagkawala ni Catherine Camilon, isang kandidata sa Miss Grand Philippines 2023.

“I am terribly disappointed and greatly disturbed by reports that a police officer might be involved in the disappearance of a beauty pageant candidate,” sinabi ni Abalos sa isang pahayag. “Certainly, I am at the forefront of those fighting for the protection of women, children and even the elderly, and I am committed to defending them at all time and at all costs.”

Ayon pa sa opisyal, ipinagutos na ng pamunuan ng PNP ang pagtanggal ng suspek mula sa kanyang tungkulin upang maiwansan ang anumang hinala ng cover-up.

Ginarantiyahan ni Abalos na magkakaroon ng patas at masinsin na imbestigasyon.

“Hindi po namin kukunsintihin o pagtatakpan ang maling gawain ng sino mang miyembro ng PNP.

Umasa kayo na ang pamunuan ng DILG at PNP ay kakampi ng hustisya at kasama ng ating mga kababayan sa pagkondena ng kasamaan o anumang krimen,” ani Abalos.

“I have also instructed our policemen to relentlessly pursue all actionable leads and do everything that they can within the bounds of the law to rescue the missing victim, and return her safely to her family,” dagdag pa ng opisyal.

“We also appeal to everyone who might have any knowledge or information on Catherine’s whereabouts to come forward and get in touch with the PNP, for the quick resolution of this matter,” ayon sa kalihim.