Pulis na nalaglag sa patrol car, sinalpok ng pickup

Todas ang isang pulis matapos siyang mahulog sa sinasakyang police mobile sa San Miguel, Bulacan.

Todas ang isang pulis matapos siyang mahulog sa sinasakyang police mobile sa San Miguel, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Patrolman John Arenas, residente ng Cabanatuan City.

Batay sa report sakay si Arenas ng Hyundai 100 na patrol car nang mahulog siya sa kalsada noong February 28, bandang alas-5 am ng madaling-araw.

Nang mahulog ay nasagasaan pa ang pulis ng pickup na Mitsubishi L200 na isang government vehicle ng Villaverde, Nueva Vizcaya.

Nagsasagawa na ang pulisya ng imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Kakasuhan naman ng reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng pickup na nakasagasa kay Arenas.