Pulis hinangaan sa pag-alaga sa mga asong kalye!

Viral sa TikTok ang isang pulis Maynila matapos siyang makunan na inaalagaan ang mga asong kalye sa kanyang istasyon.

Viral sa TikTok ang isang pulis Maynila matapos siyang makunan na inaalagaan ang mga asong kalye sa kanyang istasyon.

Pinost ni Krizlyn Mayao ang nakakaantig na video kung saan makikitang pinainom ni Police Staff Sergeant Oliver Alfonso ang aso sa kanilang outpost.

Maraming netizen ang natuwa sa pagiging mabait ng pulis sa mga asong palaboy-laboy sa kalsada.

Heto ang ilan sa kanilang reaksyon:

“Ang hayop pag dumikit sa tao alam nila na may good heart ito.”

“Should be ‘Pawlice Assistance Desk”

“For sure mabait tong si sir. Hindi lalapit o hindi sila ganyan katiwala kung nasesense nila na salbahe ung tao. Salute po! Sana lahat ganyan sa animal.”

@krizlyndomino #doglover#aspinlover ♬ 蜜桃物语 – 仁辰&于行