Publiko binalaan sa panibagong text reward scam

Inalerto ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko tungkol sa panibagong kumakalat na scam sa text.

Inalerto ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko tungkol sa panibagong kumakalat na scam sa text.

Sa naturang scam, nagpapanggap na taga-Globe Telecom ang text message na tungkol sa reward points para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanilang bibiktimahin.

Nakalagay sa text, “The globe points service reminds you that your current points account (3,022 points) will expire today. Redeem your points as soon as possible: https://globeeph.top/i Please reply Y then exit SMS, open the SMS to activate the link again, or copy the link to the Safari browser and open it.”

Kapag binuksan ito ay pinapalagay ang mga personal information ng cellphone user kasama ang bank account number.

Pinaalalahanan ng CICC ang publiko na i-block ang naturang website para hindi na ito makapangbiktima.

“There is nothing to cause for alarm, but as part of the protocol, we have recommended the blocking of the domain to avoid victimizing more customers,” ayon kay CICC executive director Alexander Ramos.

“We also want to reiterate our appeal to the public to stop clicking links from unofficial sources in order to avoid being scammed,” aniya pa.