PSA, tiniyak ang transparency matapos ang data breach

Kabilang sa mga datos na nasa Philippine Statistics Authority ang mga personal information ng milyon-milyong Pilipino, kaya't nakakabahala ang kaso ng data breach sa ahensya. Gayunpaman, tiniyak ng PSA na gagawin nila ang lahat para maresolba ang insidente.

Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na magiging transparent ito hinggil sa nangyaring data breach at magiging mas proactive pagdating sa cybersecurity. Nanindigan rin ang PSA na tanging ang Community-Based Monitoring System (CMBS) lamang nito ang na-hack.

Ayon sa website ng PSA, ang CBMS ay ginagamit na batayaan ng pamahalaan sa poverty alleviation programs nito.

“Based on the investigation, the links posted by the bad actors lead to limited data taken from the CBMS Management Information System. The PSA and aforementioned partners are working tirelessly to prevent the further disclosure of data,” sabi ng PSA sa isang pahayag nitong Biyernes, Oktubre 13.

Kaugnay nito, sinabi rin ng PSA na gumawa na sila ng mga nararapat na hakbang para hindi na maulit ang insidente.

“Intensified security protocols were then established to deter any further attacks on all other systems PSA manages. The data in question was not removed from the system and PSA has backup copies,” paliwanag pa ng PSA, na binigyang-diin rin na hindi naapektuhan ang Philippine Identification System at Civil Registry System ng ahensiya.

Tiniyak rin nito na nakikipagtulungan na ang PSA sa ibang kawani ng gobyerno para mas mapalakas ang cybersecurity ng ahensiya at hindi na maulit ang data breach.

30