PSA: Na-print na National ID nasa 60% na

Umabot na sa 60 porsyento o mahigit 54 milyong kopya na ng Philippine Identification System (PhilSys) IDs ang naiprint.

Umabot na sa 60 porsyento o mahigit 54 milyong kopya na ng Philippine Identification System (PhilSys) IDs ang naiprint.

Ito ang pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Marso 15.

Sinabi ni PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta, ang 50 milyon sa mga ID na ito ay naiabot na sa may-ari.

Nilinaw din ni Sollesta na marami na ang nabigyan ng electronic version ng ID, kung saan nagagamit na ito sa mga transaksyon.

“If you look at the numbers, it’s already overlapping and they are already using it in transactions,” dagdag pa nito.