Proud to be Pinoy! PBBM, Romualdez, pinaulanan ng papuri ang Gilas Pilipinas

Tinapos ng Gilas Pilipinas ang anim na dekadang pag-aantay ng bansa sa gintong medalya sa Asian Games nang talunin nito ang koponan ng Jordan sa Men’s Basketball finals.

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Gilas Pilipinas sa kanilang panalo laban sa Jordan Biyernes ng gabi, Oktubre 6, na nagwakas sa anim na dekadang pag-aantay sa gintong medalya sa Asian Games.

Sa isang post sa kanyang X account, sinabi ng Pangulo na muling inangat ng Gilas ang bandila ng Pilipinas sa larangan ng basketball dahil sa kanilang panalo.

“I know every Filipino is proud to be called one today. Congratulations, Gilas Pilipinas, on this incredible feat!” ani Pangulong Marcos.

“Your hard work continues to elevate Filipino athleticism and sportsmanship to the global arena,” dagdag pa niya.

Umani rin ng papuri ang koponan kay House Speaker Martin Romualdez, na inilarawan ang makasaysayang panalo ng Gilas dahil sa pagwakas nito sa gold-medal drought sa Asian Games.

“With immense pride and joy, we stand united with the entire Filipino nation in celebrating this historic moment. Gilas Pilipinas has accomplished something truly extraordinary, securing our country’s first Asian Games basketball gold medal in 61 years, leaving an indelible mark in the annals of sports history,” ani Romualdez.

“This landmark victory is a testament to the unwavering spirit and dedication of our national athletes, who have displayed remarkable skill, teamwork, and resilience throughout this journey. Their hard work and determination have borne fruit, bringing honor and glory to our nation,” sinabi pa ng opisyal.