Proud Pinoy palagi! Michelle Dee, hinirang bilang ambassador ng Department of Tourism

Hindi pinalad si Michelle Dee sa Miss Universe, subalit nakapasok naman siya sa top 10 at nag-uwi ng apat na special awards, kabilang ang Voice for Change and Best in National Costume.

Masayang-masaya na tinanggap ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang alok ng Department of Tourism (DOT) bilang maging tourism ambassador.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na siya mismo ang nagpaabot ng imbitasyon kay Dee na maging tourism ambassador na mag-courtesy call ito sa DOT central office sa Makati.

“On behalf of the Department of Tourism, I would like to extend my gratitude for your support for Philippine tourism as well as for carrying Love the Philippines, and I extend to you my invitation for you to continue to be an ambassador of tourism for our country,” sabi ni Frasco.

Ikinalugod naman ni Dee ang kaniyang bagong designasyon.

“Full circle moment. I’ve always been proud to call the Philippines my home and to call myself Pinoy!” saad niya sa isang post sa kaniyang Instagram. “To be able to work closely with the Department of Tourism to achieve our shared goal of promoting #FILIPINAS is a dream come true.”

Hindi pinalad si Dee sa Miss Universe, subalit nakapasok naman siya sa top 10 at nag-uwi ng apat na special awards.