Proud Christian! Catriona Gray nagpabinyag muli

Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa social media nitong Linggo ang kanyang muling pagbibinyag bilang Kristiyano.

Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa social media nitong Linggo ang kanyang muling pagbibinyag bilang Kristiyano.

Sa kanyang Facebook post, pinakita ng dating Miss Universe ang mga larawan ng pagbibinyag at nagpasalamat sa Favor Church, isang christian community sa Manila.

“A new beginning with Jesus. Glory to God always,” sulat ni Catriona sa caption ng kanyang post.

Proud na isinapubliko ni Catriona ang pagiging Kristiyano at ang mga hakbang nang siya ay nagpahayag ng kanyang pananampalataya sa relihiyon.

“So fulfilled to take the step of publicly declaring my faith today. I was baptized as a baby, but wanted to take this action as an adult. So thankful to the community and family that @favor.mnl is. Thank you, God, for never ceasing in the pursuit of my heart,” dagdag niya.

TINGNAN: