Promosyon ng Army general hinarang ng misis!

Tinutulan ng mismong asawa ni brigadier general Ranul­fo Sevilla ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanyang promosyon sa Commission on Appointments.

Tinutulan ng mismong asawa ni brigadier general Ranul­fo Sevilla ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanyang promosyon sa Commission on Appointments.

Sa isang conference, sinabi ng maybahay na si Tessa Luz Reyes-Sevilla na matagal na umano niyang tiniis ang pang-aabuso ng kanyang asawa sa kanilang pamilya.

Aniya, matagal siyang nanahimik sa hindi pagbibigay sustento ng heneral at sa pangbababae nito.

“Hindi ko na po kayang manahimik. Nagtiis na po kami nang matagal. Ang masakit doon ay nilulunok na nga namin ‘yung walang sustento eh nakukuha pang mambabae,” pahayag nito.

Samantala, ipinagpaliban ang confirmation hearing ni Sevilla sa committee level matapos hilingin ni Senator Risa Hontiveros na tanungin niya ang kanyang asawa ukol sa pagtutol sa kanyang promosyon.