Programang pangkabuhayan sa Catanduanes palalawigin ng DOLE

Maglulunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ng mas maraming Livelihood Program para sa mga mamamayan sa Catanduanes.

Maglulunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ng mas maraming Livelihood Program para sa mga mamamayan sa Catanduanes.

Layon ng ahensya na lumikha ng mga bagong paraan para sa pag-unlad ng naturang lugar at ng ekonomiya.

Kabilang sa mga napamahagian ng kagamitang kinakailangan para sa sustainable livelihood initiatives ay ang Binurong Ecotour Guides Association and Tamburan Women’s Association (TWA) at Binurong Ecotour Guides Association.

Laking pasasalamat naman ng Pangulo ng Binurong Ecotour Guides Association na si Arnel Alcantara, para sa kanilang natanggap na suporta dahil magiging malaking tulong umano ito upang mapaangat ang kanilang pangkabuhayan.

Samantala, sinuguro naman ni Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita na bibigyan-pansin ng ahensya ang mga munisipalidad na klasipikadong 4th-6th class sa pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan ng mga manggagawa

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad sa DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP) sa ilalim ng Department Order No. 239 series of 2023.