Programa ng gobyerno kontra inflation, inaapura ni PBBM–NEDA

Ipinatutupad ng gobyerno ang iba’t ibang interventions para tugunan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, ayon sa mga opisyal.

Nagbigay ng katiyakan ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy-tuloy lang ang suporta nito sa mga nagigipit na sektor ng lipunan habang tinutugunan ang patuloy na pagtaas ng inflation noong Setyembre.

Iniulat ngayong Huwebes, Oktubre 5, na naitala ang inflation noong nakalipas na buwan sa 6.1%, mas mataas kumpara sa 5.3% noong Agosto.

Mas tumaas ang presyo ng pagkain noong Setyembre, na humatak pataas sa iba pang factors na tinitingnan ng mga ekonomista.

“The government is committed to providing targeted assistance to affected vulnerable segments of the population while food prices remain elevated,” ani Socioeconomic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan.

Kabilang sa mga hakbang ng gobyerno ang digital Food Stamp Program na inilunsad ng Department of Social Welfare and Development noong Setyembre 29.

Layunin nitong tugunan ang tumataas na kagutuman at malnutrition sa mga pamilyang na may mababang antas ng kita. Bibigyang ang mga kwalipikadong pamilya ng P3,000 kada buwan para pandagdag sa kanilang household budget.

Mamamahagi rin ang kagawaran ng P10,000 cash subsidy para sa 78,000 magsasaka na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Makaktanggap rin ang mga magsasaka ng karagdagang P5,000 financial assistance para itaas ang antas ng kanilang anihan, habang mamamahagi naman ng fuel subsidy ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper at operator ng mga public utility vehicles.

“As we implement short-term measures to ease the negative effects of inflation, it is imperative that we also address our long-term food supply issues by providing support for our local farmers to boost their productivity and resilience. These include investing in irrigation, modern high-yielding varieties, pest control, and logistics,” ani Balisacan.