Professor hinangaan ng netizens sa pagiging ‘good samaritan’

Hindi inakala ni Jonas Ynares, Direktor ng International Development and Special Programs ng University of Rizal System (URS), na hindi magiging mabilisan ang biyahe nya pauwi nang siya ay maging biktima ng isang prank ng asong inakala nya ay injured sa kalsada, at magtulak ng sasakyang na-stuck sa gitna ng

Hindi inakala ni Jonas Ynares, Direktor ng International Development and Special Programs ng University of Rizal System (URS), na hindi magiging mabilisan ang biyahe nya pauwi nang siya ay maging biktima ng isang prank ng asong inakala nya ay injured sa kalsada, at magtulak ng sasakyang na-stuck sa gitna ng pedestrian.

Sa isang video na uploaded ni Ynares sa Tiktok, makikitang habang siya ay nagmamaneho pauwi galing sa trabaho, nakita niya ang isang aso na wari bang nasagasaan at nananatiling nasa gitna ng kalsada.

“Driving nako pauwi galing work. Akala ko injured yung aso. Todo effort ako and all ilagay sa gilid kasi kawawa naman baka masagasaan. Tapos bigla naman tumawid din pagka lapag ko sa kanya sa side walk hahahaha drama ha,” kuwento ni Ynares.

Agad naman siyang bumaba at iniligtas ang hayop at inilapag sa may gilid, ngunit hindi niya inaasahan na biglang tatawid ito pabalik sa kalsada matapos niyang iligtas.

“Best actor, kitang-kita na tumawid din pagka lapag ko sa kanya sa side walk hahahaha di naman pala injured!”

“Okay yung aso Sensei iba ang trip sa gitna ng daan tumambay”

Komento naman ng mga netizens na naaliw rin sa naturang video.

Ngunit hindi pa dito natatapos ang biyahe pauwi ni Jonas dahil may nadaanan pa siya na isang sasakyang nakadapa sa kalsada.

Hindi pa rito natatapos ang biyahe pauwi ni Jonas dahil may nadaanan pa si Ynares na isang sasakyan na nakadapa sa kalsada.

Ayon kay Ynares, tinulungan niya ang aso at tumulong siyang itulak ang sasakyan dahil nais din niyang makauwi kaagad. Bukod dito, naawa din siya sa aso dahil nag-a-ampon siya ng stray dogs at cats.

Marami ang nagbigay ng papuri at suporta sa ginawang mabubuting gawa ni Ynares. Nagcomment ang iba na sana ay may iba pang mga tulad niya na handang tumulong sa kapwa.

PANUORIN:

@jnsynrs Tiring day from work, you just want to drive home stat to chill and rest. But the world says otherwise. Ended up helping them all so traffic will ease. Patawa yung aso di naman pala pilay hahahaha naawa pa naman ako at tinigilan ko siya to save him! Tambayan niya pala yan hahahaha #fyp #dog #traffic #helpinghand #drive #dashcam ♬ Jacob and the Stone – Emile Mosseri