Produksyon ng itlog bumaba dahil sa tindi ng init

Bumaba ng 10 porsyento ang produksyon ng itlog sa San Jose sa Batangas dahil sa init na dala ng El Niño.

Bumaba ng 10 porsyento ang produksyon ng itlog sa San Jose sa Batangas dahil sa init na dala ng El Niño.

Ayon sa chairperson of the Batangas Egg Producers Multipurpose Cooperative na si Michael Lescano, marami sa mga manok ang nai-stress dahil sa tindi ng init ng panahon kung kaya’t marami rito ang hindi makatuka ng pagkain.

“Ang laki ng epekto talaga ‘pag ganitong mainit ang panahon dahil very stressed ang ating mga manok,” ani Lescano sa Teleradyo Serbisyo.

“Kung kaya ang produksyon namin ay nababa dahil hindi makatuka nang ayos ang ating manok so ang tendency niyan ay hindi agad makapangitlog,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, nilinaw ni Lescano na nananatiling stable ang suplay ng itlog at walang magaganap na pagtaas sa presyo.