Problema sa malnutrion at food security target tugunan ng gobyerno

Tutugunan ng Department of Health, sa tulong ng iba pang sangay ng gobyerno, ang mga problema ng bansa ukol sa malnutrition at food security, ayon kay Health Secretary Dr. Enrique Tayag.

Nakatakdang tugunan ng Department of Health (DOH) ang problema sa undernutrition sa bansa, pati na rin ang mga isyu patungkol sa kawalan ng sustansya at food security.

Alinsunod rito, ibinida ni DOH Undersecretary Dr. Enrique Tayag ang ikinasang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) ng kagawaran para darating na taon.

Sa isang ginanap na media forum nitong Martes, Setyembre 5, ibinahagi ni Tayag ang mga short-term plans ng PPAN, na aniya ay sumasalamin sa “collective commitment” ng pamahalaan upang malutas ang mga problema sa kalusugan.

Aniya, kritikal ang unang 1,000 araw ng nutrition journey ng isang tao, at ito ay nagsisimula sa pagbubuntis, sumasaklaw sa 9 na buwang pagdadalang tao, hanggang umabot ang bata sa edad dalawa.

Dagdag pa ni Tayag, the DOH nakipag-ugnayan na ang DOH sa iba pang mga sangay ng pamahalaan upang masigurado ang tagumpay ng PPAN.

Kabilang sa mga magiging katuwang ng DOH ay ang National Nutrition Council (NNC), na magtatalaga ng recommended nutrition, at ang Department of Agriculture, na mamumuno sa pagtugon sa food security.