Pride Month: FL Liza inayudahan LGBTQIA+ community

Nakatanggap ang mga miyembro ng LGBTQIA+ Community ng tulong mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), sa pangunguna ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ngayong Pride Month, nakatanggap ang 5,000 LGBTQIA+ beneficiaries mula sa Quezon City, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Laguna, Bulacan, Cavite, at San Mateo sa Rizal P5,000.

Bukod pa dito, nakakuha rin ang 1,500 na mga benepisyaryo ng food assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng naturang ahensya.

Samantala, ipinagkaloob din sa mga benepisyaryo sa Mandaluyong ang serbisyong medikal sa ilalim ng “LAB for ALL (Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat)” ni First Lady.

Kasama naman sa mga dumalo sa programa ay sina Undersecretary for Operations Monina Josefina Romualdez, Assistant Secretary for Regional Operations Paul Ledesma, at Field Office National Capital Region Regional Director Michael Joseph Lorico mula sa DSWD.