Price freeze ipinatupad sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘state of calamity’

Naipatupad na ang price freeze na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Naipatupad na ang price freeze na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Sa kasalukuyan, mayroong 131 lokal na pamahalaang sa buong bansa ang nagdekalara ng state of calamity.

“Makikita natin mostly western section ng ating bansa ang naapektuhan at kanya-kanya iyong mga apektadong lugar na ito ay nagkaroon na ng declaration ng states of emergencies,” pahayag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa.

Subalit nilinaw ng DA na ang mga lugar na apektado lang ang magkakaroon ng price freeze.

Ito ay upang maiwasan ang unamang problema sa kasalukuyan at sa ibang lugar.

“Kung idadamay iyong buong bansa na hindi naman apektado ng El Niño, baka magkaroon ng problema doon sa ibang area,” dagdag pa nito.