Presyong tapat lang dapat: Romualdez, Rep. Tulfo, nagbabala laban sa overpricing

Gagamitin ng Kamara ang oversight function nitong labanan ang inflation upang masigurong hindi tataas ang presyo ng bilihin.

Nag-ikot sina House Speaker Martin Romualdez at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa mga palengke sa Quezon City nitong Lunes, Nobyembre 27, upang tignan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at siguraduhing nasa suggested retail prices (SRP) lamang ang presyuhan nito.

“We want to make sure that traders do not take advantage of the holiday season to jack up prices of basic commodities, saad ni Romualdez habang nag-iikot sila sa Farmer’s Market. “The Christmas season is meant to be a time of giving and compassion, and we want to make sure that prices of goods are affordable to a great majority of our people.”

Dagdag pa niya, gagamitin ng Kamara ang oversight function nitong labanan ang inflation upang masigurong hindi tataas ang presyo ng bilihin, lalo ngayong Kapaskuhan.

“It is a reaffirmation of our commitment to ensuring fair pricing and protecting consumers’ interests by fighting hoarding and exorbitant prices,” dagdag pa niya.

Nangako naman si Tulfo na imo-monitor ng Kamara ang presyo ng bilihin at ang supply ng mga karaniwang binibili tuwing Pasko.

“We will continue the all-out war against profiteers preying on hapless consumers,” pangako ni Tulfo.