Presyo ng school supplies, nananatili – DTI

Isang buwan bago magpasukan, nananatili ang presyo ng mga school supplies.

Isang buwan bago magpasukan, nananatili ang presyo ng mga school supplies.

Sa pinakahuling “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” ng Department of Trade and Industry, 68 porsyento ng stock ang hindi nabago ang presyo.

Bumaba naman ang presyo ng walong porsyento ng ibang school supplies habang 24 porsyento ang tumaas ang presyo.

“I urge consumers to buy school supplies from companies that comply with labeling requirements and use the Gabay in shopping. The Gabay indicates which SKUs have not increased or have retained their prices,” pahayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual.

Base sa price guide ng DTI, nasa P11.80 hanggang P52 ang notebook: habang ang Grades 1 hanggang 4 na pad paper ay nasa P9.50 hanggang P61 Samantalang ang intermediate pad paper ay nasa P13.80 hanggang P48.75.

Base sa DTI guide noong Hulyo 2023, ang presyo ng notebook ay nasa P23 hanggang P52, Grades 1 hanggang 4 pad paper ay nasa P21 hanggang P28, at intermediate pad paper ay nasa P31 hanggang P48.75.

Ang presyo ng krayoka ay nasa P12 hanggang P65.

Ang sharpeners at rulers ay nasa P15 hanggang P69 mula sa dating P16 hanggang P29.