Presyo ng produktong petrolyo sisirit sa susunod na linggo

Magkakaroon ng taas-presyo sa gasolina at kerosene sa susunod na linggo.

Magkakaroon ng taas-presyo sa gasolina at kerosene sa susunod na linggo.

Posible umano kasing umabot ng 85 sentimo hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina, base sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau.

Bukod pa diyan, aabot sa P1.55 hanggang P1.85 ang kada litro ng diesel.

Samantala, nasa P1 hanggang P1.10 ang dagdag kada litro ng kerosene.

Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, ang pangunahing sanhi ng pagtaas ng presyo ay dahil sa “geopolitical tension.”