Presyo ng petrolyo sisirit sa Abril 16

Magkakaroon ng dagdag presyo ang produktong petrolyo bukas ng Martes, Abril 16.

Magkakaroon ng dagdag presyo ang produktong petrolyo bukas ng Martes, Abril 16.

Ayon sa ilang mga kompanyang Pilipinas Shell Petroleum Corp., Seaoil Philippines Corp, at Caltex, magkakaroon ng dagdag na P0.95 per liter ang diesel, P0.85 naman pero liter sa kerosene, at P0.40 sa gasolina.

Kaparehog implimentasyon naman ang paiiralin ng Cleanfuel, Jetti Petroleum Inc, Petro Gazz, Unioil, at PTT Philippines para sa diesel at gasolina.

Magiging epektibo ang price adjustment bandang alas-6 ng umaga bukas para sa lahat ng kumpanya.

“Though, inventory build up of crude and fuels in the US tempered the oil price increase,” pahayag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.