Presyo ng petrolyo, bahagyang bababa

Magpapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa sa Martes, Abril 30.

Magpapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa sa Martes, Abril 30.

Batay sa anunsyo ng Pilipinas Shell, magtatapyas sila ng P0.25 sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa bawat litro ng diesel, at P0.90 sa kada litro ng kerosene.

Ang Cleanfuel ay magpapatupad din ng rollback ng gaya ng sa Shell, maliban lang sa kerosene na hindi nila produkto.

Nag-anunsyo rin ang SeaOil ng bawas-presyo, na katulad lang din sa nabanggit.

Wala pa namang abiso ang iba pang kompanya ng langis.