Presyo ng LPG tatapyasan ngayong Abril

Magandang balita ang salubong ng buwan ng Abril para sa mga konsyumer ng liquefied petroleum gas (LPG).

Magandang balita ang salubong ng buwan ng Abril para sa mga konsyumer ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ito’y matapos ianunsyo ng Petron ang bawas-presyo sa kanilang produktong LPG.

Piso kada kilo ang bawas-presyo ng Petron sa kanilang LPG. Epektibo ang bawas-presyo ngayong Lunes ng tanghali.

Wala pa namang anunsyo ang iba pang kompanya.

Nitong Marso ay pumalo ng mula P830 hanggang P1,068 ang presyo ng 11-kilo na LPG sa bansa.