Presyo ng LPG, tataas ng P6.65 kada kilo; Tangke ng LPG, magiging mas mahal ng P70 kada isa ngayong Setyembre

Tataas ng higit sa P70 sa bawat 11-kilo na silindro ang liquified petroleum gas (LPG), ayon sa anunsyo ng mga kumpanya ng petrolyo.

Tataas ng higit sa P70 sa bawat 11-kilo na silindro ang liquified petroleum gas (LPG), ayon sa anunsyo ng mga kumpanya ng petrolyo.

Nagpatupad ng P6.65 na pagtaas kada litro sa presyo ng LPG na pangluto ang Petron at Phoenix LPG, at P3.70 kada litro ng AutoLPG, o LPG na ginagamit sa sasakyan.

Ayon sa mga kumpanya, bahagi ang pagtaas sa naranasang pagsipa ng presyo sa pandaigdigang pamilihan ngayong Setyembre.

Ipinatupad ang taas-presyo ng mga kumpanya simula 12:01 ng hatinggabi ng Biyernes, ika-1 ng Setyembre.

Samantala, tumaas naman ang presyo ng Solane LPG ng P6.64 kada kilo simula 6:00 ng umaga ng Biyernes.

Dahil sa mga naturang pagtaas ng presyo, aabot sa P73.04 hanggang P73.15 kada 11-kilo na tangke ng LPG ang makikita sa merkado ngayon buwan.

Ayon sa datos ng Department of Energy, naglalaro ang presyo ng 11-kilo na tangke ng LPG mula P718 hanggang P935 sa Metro Manila.