Presyo ng LPG sumipa ng P6 kada tangke

Tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG).

Tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG).

Ayon sa abiso ng Solane at Petron, nasa 55 sentimo ang itataas sa kada kilo o P6 sa kada 11-kilo na tangke ng LPG.

Epektibo ang taas presyo ngayong araw.

Ayon sa Petron, ang pagtataas ng preyo ay salamin ng international contract price ng LPG sa buwan ng Hulyo.

Base sa data ng Department of Energy noong Enero, naglalaro sa P920 hanggang P1,100 ang presyo ng kada tangke ng LPG.