Presyo ng langis bababa ngayong linggo

Inaasahan ng mga taga-industriya ng langis na magkakaroon ng oil price rollback ngayong linggo.

Inaasahan ng mga taga-industriya ng langis na magkakaroon ng oil price rollback ngayong linggo.

Base sa kanilang pagtataya, ang kada litro ng kerosene at diesel ay maaaring makaltasan ng mula P0.90 hanggang P1.10.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay posibleng bumaba ng mula P0.60 hanggang P0.80 kada litro.

Ito pa lamang ang pangatlong beses ngayong taon na magpapatupad ng oil price rollback ang mga kompanya, dahil na rin sa kaguluhan sa Middle East.