Presyo ng gasolina, diesel, sisirit ngayong linggo!

Muling sasakit ang bulsa ng mga motorista sa ikaapat na linggong muling pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene, ayon sa mga oil companies.

Muling sasakit ang bulsa ng mga motorista sa ikaapat na linggong muling pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene, ayon sa mga oil companies.

Sa inilibas na advisories kahapon, magtataas ng P1.60 kada litro sa gasolina, P0.65 sa diesel habang P0.60 sa keronese ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Petron Corp., Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp.

Sisipa rin ang presyo ng gasolina at diesel ng Cleanfuel, Petro Gazz, at ng Unioil Petroleum Philippines Inc.

Epektibo ang pagtataas presyo ng krudo ngayong araw, Hulyo 9.

Alinsunod ang oil price hike sa latest projection ng Department of Energy’s (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB), dahil sa nangyayaring giyera sa Middle East, malalaking withdrawal sa Amerika dulot ng mataas na summer fuel demand.

Sa kasalukuyan, aabot na ang year-to-date adjustment sa presyo ng krudo ng P9.25 kada litro sa gasolina, P8.40 kada litro naman sa diesel, at P1.75 kada litro sa kerosene.