Presyo ng bigas, sibuyas bumababa — DA

Bumababa na ang presyo ng bigas at ng sibuyas, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Bumababa na ang presyo ng bigas at ng sibuyas, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA spokesperson Arnel De Mesa, nabawasan ng halagang P20 ang kilo ng pula at puting sibuyas mula sa halagang P100.

Habang nasa halagang P45 hanggang P48 naman umano ang presyo ng regular na bigas.

Tumaas ang presyo ng bigas noong 2022, kung kaya’t pinayagan ng DA ang mas maraming imported na sibuyas noong 2023 upang maiwasan ang pagtaas ng presyo.

Samantala, ang presyo naman ng bigas ay tumaas din noong 2023, kaya’t nag-utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng price cap upang kontrolin ang pagtaas nito.