‘Prayer rally’ na suki mga Duterte, kanselado sa Dumaguete

Kinansela ng local government unit ng Dumaguete ang permit para sa prayer rally na dadaluhan sana ni former President Rodrigo Duterte.

Kinansela ng local government unit ng Dumaguete ang permit para sa prayer rally na dadaluhan sana ni former President Rodrigo Duterte.

Sa lumabas na liham mula kay Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo, nakasaad na hindi na papayagan ang prayer rally sa kanilang lugar sa Martes, May 7.

Ayon sa alkalde, nag-request ang organizer ng rally na maglaan ang LGU ng Dumaguete ng metal barrier at portalet para sa mga dadalo sa prayer rally.

Ngunit ayon kay Dumaguete acting police chief PLTCOL Ronoel Fungo, hindi kakayanin ng kanilang resources na masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa event.

At dahil din short notice umano ang request para sa prayer rally ay hindi sasapat ang metal barrier na pwede ipagamit ng LGU.

Dahil dito’y kinansela ng Dumaguete City LGU ang permit para ganapin ang prayer rally sa kanilang lugar.