Prank pa more! Viral takoyaki store posibleng parusahan ng DTI

Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung mananagot ba ang isang takoyaki store na nag-viral matapos ang kanilang April Fool's Day prank.

Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung mananagot ba ang isang takoyaki store na nag-viral matapos ang kanilang April Fool’s Day prank.

Matatandaan na sa post ng ‘Taragis’ takoyaki store, sinabi na bibigyan nila ng P100,000 ang unang magpapa-tattoo ng kanilang logo sa noo.

Nabiktima ang isang lalaki na nakakuha ng simpatya ng netizen.

Saad naman ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, pwedeng maparusahan ang takoyaki store dahil mali ang prank na ginawa ng naturang food stall.

“Hindi mo pwedeng gamitin yung official, legitimate name mo para gumawa ng isang unlawful act or something na makakasira or makakasakit sa iyong kababayan,” saad ni Nograles.

“Sa ibang bansa, yung inducing self-harm is actually penalized as a crime. Dito sa Pilipinas, we have to review. Ang ating prosecutors will check anong maaaring kaso ang mafa-file dyan,” aniya pa.

Ayon pa sa DTI official, maaari nilang suspendehin o kaya’y kanselahing tuluyan ang registration ng takoyaki store kapag napatunayang may pagkakamali sa prank na ginawa ng food brand.