Praktikal isabay sa 2025 elections ang Cha-cha plebsicite – PBBM

Makakatipid ang gobyerno kung pagsasabayin ang halalan sa susunod na taon ang plebisito para sa pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Makakatipid ang gobyerno kung pagsasabayin ang halalan sa susunod na taon ang plebisito para sa pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw sa isang ambush interview sa Villamor Air Base bago lumipad patungong Australia.

Sinabi ng Presidente na mahal ang gagastusin sa pagsasagawa ng hiwalay na plebisito.

“Dahil ‘pag ihihiwalay natin yung eleksyon at saka yung plebiscite, parang dalawang eleksyon ‘yun. Napakamahal. So baka maaari kung isabay natin ‘yung plebisito sa local elections na gagawin sa Mayo next year,” anang Pangulo.

“So if we are able to incorporate the two exercises together as a practical matter, sa palagay ko makakatulong yun,” dagdag pa niya.

Kasalukuyan aniyang pinag-aaralan ang mga legal consequences ng naturang hakbang.

“Malaking bagay ‘yun, malaking savings para sa atin kaya ayun, pinag aaralan naming mabuti,” giit ng Pangulo.

Una nang sinabi gn Commission Elections na gagastos ng higit P31 bilyon ang pamahalaans a pagdadaos ng isang hiwalay plebisito para sa pag-amyenda sa Konstitusyon.