PPBM sa kaarawan ni VP Sara: Ipagpatuloy pagsisikap para sa matatag na edukasyon

Sa isang Facebook post, nagpahayag ng pagbati si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (PBBM) kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang kaarawan.

Sa isang Facebook post, nagpahayag ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang kaarawan.

“Happy Birthday, Inday Sara! Pinalalakas ng ‘yong sipag at pagmamahal sa bayan ang ating mga kabataan at kaguruan.

Ipagpatuloy lang natin ito para sa isang matatag na edukasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas!”

Pinahahalagahan ng administrasyon ang walang-sawang dedikasyon ni Duterte sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Sa kanyang mensahe, ipinabatid rin ng Pangulo ang mahalagang papel na ginagampanan ni Duterte sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at sa pagbibigay ng suporta sa guro ng bansa. Ito ay nagsisilbing inspirasyon umano sa lahat na patuloy na magsikap para sa pagkamit ng Bagong Pilipinas.

TINGNAN: